Mahigit 200 na mga Pilipino, napauwi na sa bansa mula Ukraine

Photo Courtesy: OWWA Facebook Page

Umabot na sa 225 na mga Pilipino ang napauwi ng bansa dahil sa nagpapatuloy na Ukraine-Russia crisis.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola, 98 na Pilipino sa labas ng Ukraine ang naghihintay ng repatriation habang marami pa rin ang piniling manatili doon.

Nahihirapan naman aniyang makaalis ang ilang seafarers sa Ukrainian ports dahil sa malalakas na putukan.


Patuloy namang umaapela si Arriola sa mga Pilipino sa Kyiv na lumikas na bago pa umabot doon ang kaguluhan.

Facebook Comments