Umaabot sa 288 na pamilya o 1,253 indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at baha sa Central Visayas.
Sa ulat mula ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 17 barangay ang lubog ngayon sa baha.
15 barangay dito ay sa Cebu kung saan 277 pamilya o 1,214 indibidwal ang apektado habang sa Bohol ay dalawang barangay o 11 pamilya ang naapektuhan, na katumbas ng 39 na katao.
20 kabahayan naman ang nasira kung saan pito ang partially damaged habang 13 ang totally damaged.
Samantala, limang kalsada sa ngayon ang unpassable o hindi muna madaraanan ng mga motorista.
Kabilang dito ang Natalio Bacalso St. Kinasang-an, Trancentral highway Sitio Langub Buhisan na kapwa sa Cebu.
Ganundin ang A.S Fortuna St., AC Cortes Avenue at Maguikay sa Mandaue.
Ayon pa sa NDRRMC, nakararanas ngayon ang Cebu ng power interruption at sa oras na gumanda ang panahon ay posibleng maibalik na rin sa normal ang power supply doon.