Mahigit 200 pamilya, apektado ng pagbaha sa Davao de Oro

Nananatiling baha sa ilang barangay ng Mawab, Nabunturan, Davao de Oro.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala rin ng landslide sa national roads sa Maragusan, Davao de Oro dahil sa naranasang malakas na ulan bunsod ng shear line.

Kasunod nito, apektado ang mahigit 200 pamilya at ilan sa kanila ay pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers.


Kabilang sa mga apektado ang 27 pamilya ng Sitio Estabiilo, Brgy. Andili, dalawang pamilya mula sa Sitio Tabontabon, Brgy. Bawani, pitong pamilya sa Purok 2, Brgy. Nuevo Iloco at 11 pamilya mula sa Nueva Visayas Mawab Municipality.

Apektado rin ang 207 pamilya sa Brgy. New Dauis Nabunturan Municipality at limang pamilya sa New Bataan municipality.

Samantala, nasa halos 40 pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa Wilson Condez Elem. School, Purok 2 Chapel at Brgy. Bawani Hall.

Kasunod nito, hindi muna madaraanan ang anim na linya na kalsada ng Daang Maharlika, P2, Brgy. Rizal, Monkayo dahil sa landslide maging ang Maragusan-Nabunturan Road sa Purok 10, Brgy. Camanlangan, New Bataan ay sarado dahil pa rin sa landslide.

Not passable rin ang Purok Marpuri, Brgy. New Alegria, Compostela Nabunturan Road dahil sa mataas na baha.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang clearing operations ng local DRRMO at DPWH sa mga kalsadang may landslide.

Facebook Comments