Pagbati ni PBBM sa bagong lider ng Taiwan, hindi nagustuhan ng China

Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas na pinatawag ni Chinese Assistant Minister Nong Rong ang ambassador ng Pilipinas sa China.

Ito ay matapos na batiin ng Pangulong Bongbong Marcos si Taiwanese President-elect Lai Ching-te at sinabi ni PBBM na bukas siya sa pakikipag-alyansa rito.

Ayon naman kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Mao Ning, ang naturang pahayag ni PBBM ay seryosong paglabag sa One China Principle at sa political commitments ng Pilipinas sa Tsina.


Bunga nito, nanghihingi ng maayos na paliwanag ang China sa Pilipinas.

Pinayuhan din ng China ang Pilipinas na iwasang maglabas ng mga pahayag hinggil sa mga isyu sa Taiwan.

Inaabangan naman ang statement ng Department of Foreign Affairs hinggil dito.

Facebook Comments