Mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH

68

Nakapagtala ang Department of Health ng 2,057 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, ang kabuuang kaso na ay 367,819 kung saan ang active cases ay 47,773.


442 naman ang bagong gumaling sa bansa sa COVID kaya ang total recoveries na ay 313,112.

19 naman ang bagong binawian ng buhay sa virus kaya ang total deaths na ay 6,934.

Ang mild cases naman ngayon sa bansa ay 83.7%, ang asymptomatic ay 11.4% habang ang severe ay 1.8% at ang critical cases ay 3.1%.

Kinumpirma naman ng DOH na halos 4.3-million individuals na ang naisailalim nila sa COVID test sa bansa.




Facebook Comments