Mahigit 2,000 Filipino repatriates, darating ngayong araw sa bansa

33

Panibagong batch ng Fililpino repatriates mula sa iba’t ibang bansa ang dadating ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang unang batch na 350 Filipino repatriates mula UAE ay dumating kaninang alas-9:00 ng umaga sakay ng Philippine Airlines.

Sunod na darating ang 350 Pinoy repatriates mula Jeddah, Saudi Arabia sakay ng Saudia Airlines flight SV862 na dadating bago mag-alas-2:00 mamayang hapon.

Habang ang 320 Pinoy repatriates mula Dubai sakay naman ng Emirates Airlines flight EK332 ay dadating ng alas-4:15 mamayang hapon.

Habang ang 400 repatriates mula Dubai sakay ng Cebu Pacific flight 5J19 ay lalapag ng alas-5:15 ng hapon sa NAIA 3.

400 Pinoy repatriates din mula Amsterdam ang sakay ng KLM Royal Dutch Airlines flight KL875 at dadating mamayang alas-6:00 ng gabi.

Habang ang 300 Pinoy repatriates mula Turkey ay dadating mamayang pasado alas-7:00 ng gabi sakay ng Turkish airlines flight TK84.




Facebook Comments