Umaabot sa mahigit 2,000 illegal aliens ang nasakote ng Bureau of Immigration (BI) sa taong 2019.
Ayon sa BI, karamihan sa kanilang mga nadakip ay Chinese nationals na iligal na nagtatrabaho sa bansa at sangkot sa cyber fraud activities at unauthorized online gaming operations.
Ilan din anila sa mga naaresto ay sangkot sa terorismo at ang iba ay mga pugante na may kinakaharap na kaso sa kani-kanilang mga bans.
Marami ring Indian nationals ang inaresto ng BI dahil sa lending activities sa bansa.
Nagbabala naman ang BI na sa papasok na taon ay lalo pa nilang paiigtingin ang crackdown operation laban sa mga dayuhan na iligal na naninirahan sa Pilipinas.
Facebook Comments