Mahigit 2,000 mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19, gumaling sa Antipolo City

Ikinagalak ng pamunuan ng Antipolo City Government ang patuloy na paggaling ng mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19 sa Antipolo City.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, pumalo na sa 2,098 ang mga pasyenteng gumaling, 2,429 naman ang kumpirmadong may kaso ng COVID-19 cases at 77 ang nasawi sa Antipolo City.

Paliwanag ng alkalde, mahigpit ang kanyang tagubilin sa lahat ng mga barangay opisyal na panatilihin ang social distancing upang maiwasan na kumalat pa ang COVID-19 sa lungsod.


Muling pinaalalahanan ni Mayor Ynares ang mga residente na palagiang magsuot ng face shields at face masks upang hindi na kumalat pa ang COVID-19 sa kanilang lungsod.

Facebook Comments