Nasamsam ng Bureau of Customs-Port of NAIA (BoC-NAIA) ang 2,032 piraso ng live ornamental plants mula sa Thailand.
Lumalabas sa imbestigasyon na walang plant quarantine permit ang importer ng mga halaman kaya ito hinarang ng mga awtoridad.
Kabilang sa mga nasamsam na ornamental plant ay alocasia, aglaonema, pothos, calathea, philodendron, crimson, monstera, cactus, sanseveria at rubber plant.
Ang mga halaman ay agad namang nai-turn over sa Bureau of Plant Industry para sa quarantine at disposal para maiwasan ang posibleng pagkalat ng taglay nitong sakit, sa iba pang local agriculture.
Nagpapaalala naman sa publiko ang BoC-NAIA na kumuha muna ng Sanitary at Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) sa Bureau of Plant Industry bago mag-import ng mga halaman.