Mahigit 2000 pulis na sumasailalim sa specialized training at naka-bakasyon ngayon, pinagdu-duty na ng PNP

Manila, Philippines – Pansamantalang pinahihinto at pinababalik na sa trabaho ng pamunuan ng Philippine National Police ang mga pulis na sumasailalim sa specialized training at mga nakabakasyon.

Ayon kay PNP Spokesperosn Police Sr. Supt. Bernard Banac dahil nagsimula na ang campaign period para sa gaganaping midterm election sa Mayo ay nais ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang maximum presence ng mga pulis sa mga operasyon.

Napakahalaga ayon kay Banac ang presensya ng mga pulis sa pagsasagawa ng anumang police operation lalo na ang checkpoint operation.


Sa ngayon aniya, mayroong 2000 pulis ang sumasailalim sa specialized training at nagbabakasyon na pahihintuin muna pansamantala ng PNP.

Exempted naman ang mga pulis na ngayon ay may karamdaman at naka-confined sa ospital.

Facebook Comments