Cauayan City, Isabela- Tumanggap na ang nasa mahigit 2,000 mahihirap na senior citizen sa ilalim ng Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sinimulan na ngayong buwan ng Setyembre para sa ikalawang semester.
Ayon sa ulat, tinanggap ng mga benepisyaryo mula sa bayan ng Maconacon, Divilacan at Dinapigue sa Isabela habang bayan ng Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya at Sta. Teresita sa Cagayan.
Batay sa datos, 246 beneficiaries ang mula sa Maconacon, 222 sa Divilacan, 295 ay mula naman sa Dinapigue, 570 ay mula sa Alfonso Castañeda at 1,629 ang sa bayan naman ng Sta. Teresita.
Tumanggap ng P3,000 bawat is ana sakop ng kanilang stipend para sa buwan ng July hanggang Disyembre 2020.
Target naman ng ahensya na makumpleto ang pagbibigay ng ayuda mula sa 93 municipalities at cities sa buong lambak ng Cagayan hanggang katapusan ng Oktubre.