Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Makati City, na makakatanggap ng tig-P1,000 tulong pinansyal at food pack nasa 2,049 rehistradong solo parents’ ng lungsod na sinimulan na kahapon.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang P1,000 cash assistance ay ibinibigay sa solo parents bilang pandagdag sa naunang food packs na ipinamahagi sa mga anak nilang naka-enrol sa public schools ng lungsod.
Aniya, Ito ay direktang ide-deliver sa kani-kanilang tahanan upang hindi na nila kailangang lumabas. Kailangan lamang anya na ipakita ang kanilang Solo Parent ID.
Batay sa tala ng lungsod ng Makati, may 788 rehistradong solo parents ang District 1, at 1,261 naman sa District 2, mula sa 32 barangays.
Paalala ng alkalde sa mga solo parent at sa lahat ng mga residente na manatili sa kanilang bahay upang hindi mahaawan at kumalat ang Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa kanilang lungsod.