Pinaalalahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na huwag basta magtatapon ng tira-tirang pagkain sa mga basurahan.
Ayon sa MMDA sa datos ng World Wildlife Fund – Philippines, higit sa 2,175 tonelada ng tirang pagkain ang nasasayang at itinatapon sa basurahan kada araw.
Kaya naman ang MMDA ay patuloy sa paalalang huwag itapon ang mga tirang pagkain dahil sa may pakinabang pa ang mga ito.
Isa sa mga isinusulong ng ahensya sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 ang paggawa ng compost para makabawas sa mga basurang napupunta sa mga daluyang tubig.
Layunin ng proyekto na mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga Solid Waste Management Programs.
Facebook Comments