25, 000 pamilya na na-displace kasunod ng Mamasapano encounter tatlong taon na ang nakakaraan ang nakatanggap ng assistance mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao government sa pamamagitan ng Humanitarian Emergency Action and Response Team (HEART).
Ang ARMM-HEART ay isa sa flagship programs ni Gov. Mujiv Hataman, layunin nito na makapagbigay ng humanitarian assistance at development interventions sa mga pamilyang naapektohan ng law enforcement operations na inilunsad ng militar sa Maguindanao matapos ang Mamasapano incident, nagpapa-abot din ito ng tulong sa IDPs na apektado ng kaguluhan sa rehiyon.
Inalala naman ni ARMM-HEART communications officer Ms. Myrna Jocelyn Henry ang mga kaganapan sa Mamasapano matapos ang madugong engkwentro sa pagitan ng SAF ng PNP, MILF at iba pang armed groups sa lugar noong Enero, 25 2015, anya naging concern nila ang kalagayan ng mga sibilyan, agad silang nagsagawa ng monitoring sa kondisyon ng mga ito at rumesponde sa pangangailangan ng mga nagsilikas na residente.(photo credit:bpiarmm)
Mahigit 20,000 displaced families bunsod ng 2015 Mamasapano incident, nakatanggap ng ayuda mula sa ARMM-HEART!
Facebook Comments