Mahigit 20,000 mga pasahero, nagsisipag-uwian para magdiwang ng Pasko, Bagong Taon

Pumapalo na sa 24,091 na mga pasahero ang nagsisipag-uwian sa kani-kanilang mga probinsya upang magsama-sama para magdiwang ng Pasko at Bagong taon.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, ikinasa na nila ang kanilang Oplan Biyaheng Ayos: #Pasko2018 kung saan buong bansa ay patuloy na mino-monitor ng PCG ang mga pantalan simula 12:00 AM hanggang 06:00 AM, kanina kung saan umaabot na sa 24,091 na mga pasahero ang nagsisipaglabasan patungo sa kani-kanilang mga lalawigan.

Paliwanag ni Balilo sa Central Visayas umaabot sa 6,808 ang nagsisipag-uwian kabilang dito ang Cebu na umaabot sa 5,705 mga pasahero ang lumuwas habang sa Bohol naman ay umakyat sa 1,103 na mga pasahero ang nagsisipag-uwian sa kani-kanilang mga probinsya.


Dagdag pa ni Balilo na sa Southern Tagalog ay umaabot sa 4,854 na mga pasahero ang nagsisipag-uwian kabilang dito ang Batangas na may 1,563; Oriental Mindoro 387; Southern Quezon na may 1,026; Occidental Mindoro na may 1,033 at Romblon na may 845 mga pasahero ang nagsisipag-uwian.

Habang sa Western Visayas ay pumapalo sa 4,383 na mga pasahero kabilang ang Aklan na may 2,907 pasahero at Iloilo na may 1,476 mga pasahero habang sa South Eastern Mindanao na may 628 at Davao na may 628 samantala sa Bicol Region ay 1,027 kabilang ang Sorsogon na may 948 pasahero at Masbate na 79 pasahero lamang.

Sa Northern Mindanao ay 1,887 sa Eastern Visayas na may 3,202 sa Southern Visayas umaabot lamang sa 1,302 mga pasahero ang nagsisipag-uwian.

Hinikayat din ni Balilo ang mga pasahero na maging mapagmatyag at i-report agad kung mayroon silang nalalamang mayroong kahina-hinalang mga kilos.

Facebook Comments