Mahigit 20,000, panibagong gumaling mula sa COVID-19

Base sa datos na inilabas ngayon ng Department of Health (DOH) ay 22,504 ang panibagong gumaling sa COVID-19.

18,056 naman ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 kaya umaabot na ngayon sa 177,670 ang aktibong kaso at 2,266,066 naman ang kabuuang bilang ng nahawa ng virus sa bansa.

Base sa record ng DOH, 95.3% sa mga ito ay asymptomatic o mild ang kondisyon.


222 naman ang panibagong nadagdag sa mga nasawi sa COVID-19 na may kabuuang bilang na 35,529.

Ayon sa DOH, sa mga susunod na araw ay maaari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19.

Dahil dito ay mahigpit ang tagubilin ng DOH na maging istrikto sa pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagsasagawa ng social distancing at palaging paghuhugas ng kamay.

Pagbibigay-diin ng DOH na ang pagbabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.

Facebook Comments