Mahigit 200,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, dumating sa bansa

Dumating na sa bansa ang mahigit 200,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.

Dumating ito dakong ng alas-9:30 ng gabi ilang oras matapos dumating ang mahigit 700,000 doses ng Sputnik V vaccine.

Personal na sinalubong ng ilang opisyal mula sa National Task Force against COVID-19 ang pagdating ng government procured vaccine.


Pinasalamatan naman ni NTF Against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa ang gobyerno ng Amerika sa pagdating ng naturang brand ng bakuna.

Ang mga nasabing bakuna ay gagamitin para sa pagbabakuna sa mga menor de edad kung saan nagsimula na ang pilot vaccination sa naturang age group noong Biyernes.

Facebook Comments