Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 200,000 libo na mga Social Pension Beneficiaries ang tumanggap ng financial assistance sa patuloy na pamimigay ng Department of Social Welfare and Development Field office 02 (DSWD F02) sa ilalim ng Social Pension Program ng ahensya.
Ayon kay Fernando Bainto, Focal Person ng DSWD Social Pension section, sa nakalipas na July 11 taong kasalukuyan, nakapagpamigay na ng nasa mahigit 600 milyon pesos o 92.67 percent ng mga benepisyaryo sa 93 na Local Government Units (LGUs).
Masaya namang pinasalamatan ng isang Francisco Cadiz ang gobyerno matapos matanggap nito ang kanyang pension.
Isang 93-anyos na residente ng Santa Maria, Cauayan City ang personal na tinanggap ang kanyang pension sa kabila ng kanyang edad gamit ang isang ordinaryong patpat na nagsisilbing tungkod nito.
Sa ilalim ng RA 9994 o “Expanded Senior Citizens Act of 2010” ay makakatanggap ng P500 na monthly stipend ang mga senior citizens para sa kanilang mga kakailanganing pambili ng gamut.