Umaabot na sa 26 libong katao ang pumapasok at lumalabas sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Pag-pasok pa lamang ng entrada ng sementeryo, mahigpit na ang ginagawang inspeksyon ng mga guwardya at pulis kung saan marami ng mga nakumpiskang mga kaha ng sigarilyo at posporo.
Ayon kay Marikina City Chief of Police P/ Colonel Restituto Archangel mahigpit na tinitignan ng kanyang mga tauhan kung may dala bang mga ipinagbabawal na gamit ang mga dumadalaw sa sementeryo.
Paliwanag ni Archngel sa gilid ng sementeryo nakapwesto ang blue tent na nagsisilbing assistance desk ng mga pulis at rescue 161 na, nagbibigay alalay naman sa mga bumibisita na nagkakaroon ng problema.
Malinis at organisado ang sitwasyon sa Loyola Memorial Park.
Nasa designated area lang ang mga nagtitinda ng bulaklak at kandila, kung kaya at walang pakalat-kalat na mga vendor sa labas ng sementeryo.
Pagdating naman sa trapiko, malaking tulong ang mga traffic sign dahil may mga tarpaulin sa Bonifacio Avenue na nagtuturo ng traffic rerouting.