Seguridad sa puntod ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, dinoble dahil sa umano ay bantang pang-gugulo

Dinoble ang seguridad sa paligid ng puntod ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kasunod ng umano ay bantang pang-gugulo ng ilang grupo sa lugar.

Kapansin-pansin ang mga sundalo na nagtayo na ng tent sa paligid ng himlayan.

May dalawa ring military truck ang naka standby malapit sa memorial site ng nagdaang Presidente.


Hindi naman sumipot si dating Senador Bongbong Marcos at iba niyang mga kapatid sa idinaos na misa.

Tanging si dating first lady Imelda Marcos at mga malapit na kaibigan ang dumalo sa okasyon.

Hindi na nagpaunlak ng interview sa Media Ang dating unang ginang at nag-pasalamat na lamang sa mga bumisita.

Makikita naman sa puntod ang mga alay na bulaklak galing kina Pangulong Rodrigo Duterte at Manila Mayor Isko Moreno.

Pinadalhan din ni Duterte ng bulaklak ang himlayan ng mga dating Pangulo na sina Carlos P. Garcia Diosdado Macapagal at Elpidio Quirino.

Facebook Comments