Mahigit 2,100 aplikasyon para sa pagbuo ng mga cell tower, aprubado na – DICT

Inanunsiyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na pormal nang inaprubahan ang halos 2,100 aplikasyon sa pagbuo ng mga cell tower.

Ayon kay DICT Atty. Omar Sana, nasa 700 na ang nabigyan ng permiso sa pagtatayo ng mga cell tower habang ang iba pa ay naghihintay na lamang na maaprubahan ng ahensya.

Nabatid na umabot na sa halos 376 permits at 204 sites ng SMART Communications ang na-secure at binuo habang nakatanggap naman ng 373 permits na may 354 sites ang Globe Telecom Inc. habang aabot naman sa 1,074 permit at 818 sites ang natapos ng DITO Telecommunity.


Facebook Comments