Mahigit 211,000 pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 kahapon

Naitala kahapon ng MRT-3 ang mataas na bilang ng mga pasahero na sumakay sa tren.

Sa record ng MRT-3 Management, pumalo sa 211,014 na ang kabuuang pasahero na sumakay mula alas-5:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi.

Ito ay resulta ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.


Dinagdagan ang kapasidad ng mga tren sa 70% o 276 na pasahero kada bagon sa ilalim ng pagpapatupad ng Alert Level 2 sa Metro Manila.

Ang average train sets na tumatakbo sa mainline ay nasa 17-21.

Nauna nang sinimulan patakbuhin ang mga tren sa linya sa bilis na 60kph mula sa dating 50kph.

Dahil dito, nabawasan 3.5 hanggang 4 na minuto ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula sa dating 8.5 hanggang 9 na minuto.

Facebook Comments