Aabot sa 22,277 na mga Pilipino ang nagkaroon ng dengue mula Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), mas mababa ito ng 15 porsyento mula sa 26,114 na dengue cases sa kaparehong panahon noong 2021.
Mayroong 126 na nasawi dahil sa dengue at 0.6 porsyento naman ang case fatality rate.
Karamihan sa mga naiulat na kaso ng dengue ay mula sa Central Visayas na may 13 percent o 2,905 na dengue cases; Central Luzon 3 na may 13 porsyento o 2,858 at sa National Capital Region na may 10 porsyento o 2,339.
Facebook Comments