Mahigit 22,000 doses ng bakuna, ini-airlift ngayong araw ng PAL sa Davao

44

Kabuuang 3,705 multi-dose vials ng Pfizer BioNTech vaccines ang ini-airlift ng Philippine Airlines (PAL) ngayong araw sa Davao City.

Ito ay katumbas ng 22,306 doses ng bakuna.


Tiniyak naman ng flag carrier ang patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaan para sa pagsalba ng mga buhay sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments