Mahigit 22,000, panibagong gumaling mula sa COVID-19

Base sa datos na inilabas ngayon ng Department of Health (DOH) ay 22,290 ang panibagong gumaling sa COVID-19.

20,745 naman ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 kaya umaabot na ngayon sa 180,293 ang aktibong kaso at 2,248,071 naman ang kabuuang bilang ng nahawa ng virus sa bansa.

Base sa record ng DOH, 95.4% sa mga ito ay asymptomatic o mild ang kondisyon.


163 naman ang panibagong nadagdag sa mga nasawi sa COVID-19 na may kabuuang bilang na 35,307.

Samantala, naglabas naman ng abiso sa publiko ang DOH na nagsasabing wala pang pinal na rekomendasyon ang mga eksperto kaugnay sa pagbibigay ng booster doses ng COVID-19 vaccine.

Nakasaad sa abiso na ang DOH kasama ang grupo ng mga eksperto ay pinag-aaralan pa ang pagbibigay ng booster doses.

Facebook Comments