Pinalaya ng bagong namumuno sa Myanmar ang 23,314 mga preso matapos bigyan ng amnestiya.
Ayon kay General Min Aung Hlaing, isinabay nila ang pagpapalaya sa mga ito sa pagdiriwang ng Myanmar ng Union Day na isang national public holiday.
HIndi naman nito binanggit kung ano ang mga kasong kinakaharap ng mga pinalayang preso.
Ito ang unang pagkakataon na pinalaya ng bagong namumuno sa Myanmar ang mga preso matapos nilang arestuhin ang lider nila na si Aung San Suu Kyi at ilang opisyal ng gobyerno.
Facebook Comments