
Nasa kabuuang 24,881 na mga violators ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula ng ipahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang pagpapaigting na gawing ligtas ang mga kalye sa buong bansa.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Major Hazel Asilo, pinakamarami rito ay lumabag dahil sa pagiinom ng alak at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sinundan ng mga minors na nagviolate sa curfew hours pati ang urinating o pagihi at pagkakalat sa mga kalsada.
Samantala ayon kay Asilo, ang pinakamataas na may naitalang violators ay mula sa Southern Police District partikular na sa Muntinlupa, Makati at Pasay.
Kaugnay nito nasa higit 6 na libo ang pinagmulta at nasa higit 18 libo naman ang nirelease o pinalaya.
Tiniyak naman ng Pambansang Pulisya na patuloy ang kanilang isasagawang mga operasyon kasama ng mga barangay at local government unit (LGU) para mapatupad ang nasabing safer cities initiatives.










