
Tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Myanmar kahit nahalal bilang pangulo ang junta chief na si Min Aung Hlaing.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mananatiling kaagapay ang Pilipinas sa mga hakbang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang maisulong ang kapayapaan at katatagan sa Myanmar.
Ipagpapatuloy rin aniya ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang konsultasyon sa Myanmar bilang Special Envoy ng ASEAN Chair.
Dagdag pa ng Palasyo, itinutulak ng Pilipinas ang mas epektibong pagpapatupad ng Five-Point Consensus, partikular sa pagtigil ng karahasan at agarang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan.
Nahahalal si Min Aung Hlaing bilang pangulo matapos makakuha ng 429 boto laban sa 126 boto ng katunggaling si Nyo Saw sa parliamentary vote.










