Umabot na sa 5,247 na pamilya o katumbas ng 24,032 indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Pepito sa Region 1 at CALABARZON region.
Ito ang iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal.
Aniya, 115 pamilya o 410 indbidwal ang apektado ng bagyo sa Cagayan, 1,008 na indibidwal sa lalawigan ng Isabela, 16 na indibidwal sa Nueva Vizcaya at 142 indibidwal sa Quirino.
Habang sa CALABARZON, 4,790 families o katumbas ng 22,456 ang naapektuhan ng bagyong Pepito.
Samantala, iniulat din ni Timbal na halos 800 sasakyan ang stranded naman sa isang barangay sa Quezon dahil sa baha na epekto pa rin ng bagyong Pepito.
Aniya, 792 na sasakyan ang na-stranded sa Maharlika Highway sa Brgy. Canda Ibaba Lopez, Quezon.
Sa ngayon, naghahanap ng alternatibong ruta ang mga motorista habang ang iba naman ay nagdesisyon nang bumalik sa kanilang pinanggalingan dahil nasa 4 hanggang 5 talampakan ang taas ng baha sa lugar.