Mahigit 24,000 kabataan sa Cagayan de Oro, nakatanggap na ng first dose ng bakuna laban sa COVID-19

Nasa mahigit 24 na libong mga batang may edad dose hanggang 17 anyos ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna laban sa COVID-19 mula noong Oktubre 29 nitong taon.

Ayon kay Dr Ted Yu Jr., isang medical officer ng City Health Office (CHO), nasa mahigit 31,000 naman ang nakapag pre-register online at mahigit 1,500 dito ay mga batang may comorbidities kung saan sa ospital lamang sila pwedeng maturukan ng bakuna.

Alinsunod nito, patuloy na nananawagan ang lokal na pamahalaan sa mga magulang o guardian ng mga bata na hindi pa nakapag-pre register online sa pag-avail ng libre’ng bakuna laban sa COVID-19.


Facebook Comments