
Higit 2,500 pulis ang ide-deploy sa Rehiyon Uno ngayong Semana Santa upang tiyakin ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng pista at summer vacation.
Simula Marso 29, 2026, magkakaroon ng heightened alert ang Police Regional Office 1 (PRO-1) at ilalagay ang mga pulis sa simbahan, transport terminal, at destinasyon sa tabing-dagat, kasama ang suporta ng mga lokal na pamahalaan at partner agencies para sa mas mabilis na tugon at mas mataas na visibility.
Kabilang sa mga hakbang ang intelligence-based operations, crime mapping, at mas maraming foot at bike patrol sa mataong lugar.
Pinapaalalahanan naman ang mga biyahero na sundin ang “BLOWBAGETS” checklist at siguraduhing ligtas ang kanilang mga tahanan bago umalis.
Iginiit ng PRO-1 ang pangako sa mabilis, patas, at makabuluhang serbisyo at hinihikayat ang publiko na makipagtulungan para sa isang ligtas at maayos na Semana Santa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










