Mahigit 25,000 kilos ng puslit na sibuyas, nasabat ng BOC at DA

Aabot sa 25,000 kilos ng pulang sibuyas ang nakumpiska ng pinagsamang pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Sa ulat ng BOC, dumating ang shipment mula China noong May 26 kung saan nakadeklarang egg noodles, frozen croissant dough, frozen dough buns, pizza dough at spring rolls ang mga kargamento.

Pero nakatanggap ng timbre ang BOC mula sa DA- Bureau of Plant Industry na posibleng misdeclared agricultural goods ang mga ito.

Dito na nadiskubre ang nasa 25,500 kilos ng pulang sibuyas na nagkakahalaga ng nasa dalawang milyong piso.

Sabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sasailalim sa laboratory testing ang mga puslit na sibuyas.

Sakaling ligtas ikonsumo, nakatakda itong i-donate ng kagawaran pero ididispatsa naman kung hindi pwedeng kainin.

Facebook Comments