Mahigit 25,000 pamilya, naapektuhan ng patuloy na pag-ulan dulot ng southwest moonsoon

Sumampa na sa 25, 683 families o katumbas ng 96, 781 katao ang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan dulot ng soutwest moonsoon.

Batay ito sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na naitala sa Regions 1, 3 at MIMAROPA.

389 pamilya sa mga ito ay nananatili pa rin ngayon sa 14 na evacuation centers dahil sa pagbaha resulta ng walang patid na pag-ulan sa kanilang lugar.


Agad naman silang nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development at Local Government Unit kung saan umabot na sa mahigit 3 milyon pisong mga food at non-food items ang naitulong na sa mga ito.

Samantala, umabot na rin 61 na bahay ang nasira dahil sa paguulan, 46 sa mga ito ay totally damaged habang 15 ay partially damaged.

Facebook Comments