Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., na umaabot na sa 12,883 barangay sa buong bansa ang deklarado bilang drug-cleared.
Ayon kay Azurin, ang nasabing bilang ay mula sa kabuuang 35,385 na mga barangay sa buong bansa o nasa 75.97%.
Aniya, tuloy-tuloy ang agresibong kampanya ng Pambansang Pulisya hinggil sa ilegal na droga.
Sa katunayan, mula Jan 1-14, 2023 nakasabat ang PNP ng mahigit P70-M halaga ng ilegal na droga mula sa halos 2,000 nilang anti-illegal drug operations na ikinasa kung saan nauwi ito sa pagkaka-aresto ng 2,092 indibidwal na dawit sa ilegal na droga at kasalukuyang nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments