MAHIGIT 260K HALAGA NG SHABU, NASABAT NG DAGUPAN POLICE SA SEPTEMBER OPERATIONS

Umabot sa 39.309 gramo ng shabu ang nasabat ng Dagupan City Police Office (Dagupan CPO) sa 10 anti-illegal drug operations na isinagawa mula Setyembre 1 hanggang 30, 2026.

Ayon sa September Monthly Accomplishment Report ng Dagupan CPO, 13 katao ang naaresto sa mga operasyon laban sa ilegal na droga. Tinatayang ₱267,301.02 ang street value ng nakumpiskang shabu.

Bukod sa kampanya kontra droga, nakapagtala rin ang Dagupan police ng 20 pagkakaaresto sa mga wanted person sa loob ng buwan. Kabilang dito ang tatlong Most Wanted Persons at 17 iba pang wanted persons.

Sa kampanya naman laban sa loose firearms, anim na baril ang boluntaryong isinuko at dalawa ang idineposito para sa tamang disposisyon. Isang baril naman ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Samantala, nagsagawa ang pulisya ng tatlong operasyon laban sa illegal gambling, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 19 katao.

Ipinakita ng datos ng Dagupan CPO ang magkakaibang operasyon ng pulisya noong Setyembre, mula sa paglaban sa ilegal na droga at illegal gambling hanggang sa paghahanap sa mga wanted person at pagkontrol sa mga loose firearms. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments