Mahigit 27,000 barangay sa buong bansa, drug cleared na!

Umaabot na sa 27,206 barangay ang nalinis ng Philippine National Police (PNP) mula sa ilegal na droga mula July 2022 hanggang April 2023.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, 8,332 nalang ang natitirang drug-affected barangay mula sa kabuuang 42,027 barangay sa bansa.

Sa loob aniya ng 9 na buwan, nakapagsagawa ang PNP ng 32,225 anti-illegal drugs operations kung saan narekober ang P21.72B halaga ng ilegal na droga.


Nakaaresto din ang mga awtoridad ng 44,866 drug personalities, kung saan 3,169 ang itinuturing na high-value drug personalities.

Dahil dito, kumpiyansa ang PNP na magwawagi ang pamahalaan sa laban kontra sa ilegal na droga.

Facebook Comments