Halos hindi maipaliwanag ang kaligayahan ng mahigit 2,000 mga Indigenous people na nakinabang sa isinasagawang Medical and Dental Mission sa ika-85 taon ng paglilingkod sa sambayanang Pilipino ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, malaking tulong sa mga mahihirap na Pilipino ang ginagawang pagtangkilik ng publiko sa PCSO.
Paliwanag ni GM Garma, bawat taya ng lotto ng taongbayan sa halagang 20 pesos ay walang umanong talo dahil ang kanilang mga taya ay napupunta sa mga programa ng PCSO gaya ng pagbibigay ng medical assistance sa mga mahihirap na Pinoy.
Dagdag pa ni Garma bukod sa ginagawa nilang Medical at Dental Mission sa San Fernando, Pampanga ay nagkakaroon din ng gift giving at pinapakain ang mahigit 2,000 mga Indigenous people upang ipabatid sa publiko na ang kanilang suporta sa PCSO ay tuwirang napupunta at pinakikinabangan ng mga mahihirap na Pilipino.