Mahigit 2K teachers at non-teaching personnel bibigyan ng leather shoes sa Marikina City

Bilang pag-kilala sa mga dedikasyon ng mga guro at non-teaching personnel bibigyan ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na isang pares ng sapatos o black leather shoes na gawa ng tinaguriang Shoe Capital of the Country ang Marikina.

Ayon kay Mayor Teodoro, ramdam nito ang dedikasyon ng mga teachers sa kanilang trabaho na makapag produce ng mga professionals gaya ng mga doctors, architects, engineers, scientists, journalists, lawyers, at iba pa.

Base sa datus ng Department of Education-Marikina, mayroong kasalukuyang 2, 846 Teaching at Non-Teaching Personnel ng Lungsod, Elementary at High School o may kabuuang  , 2, 681 na mga Teachers habang  165 ay School Personnel lahat sila ay bibigyan ng pares ng sapatos.


Paliwanag ng Alkalde dapat lamang pahalagahan ang mga teachers dahil sila ang pangalawang mga magulang ng mga mag-aaral kung saan napakahalaga  aniya ng mga guro  sapagkat sila umano ang tumatayong ama’t ina sa mga estudyante  sa loob ng paaralan na walang sawang  nagtuturo  at nagpapasensya sa mga mag-aaral upang maturuan sila at magkaroon ng magandang buhay balang araw.

Giit ni Teodoro marapat lamang aniya na  dapat  silang i-treat ng isang pares ng leather na sapatos bilang  munting pasasalamat ng Lungsod Marikina sa mga  masisipag na guro.

Matatandaan na kamakailan ay namahagi ng libreng school uniforms sa mga 5, 700 kinder students sa Lungsod bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng dalawang pares ng sapatos

Facebook Comments