MANILA – Mahigit 3, 000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magtatapos na ng kolehiyo ngayong school year 2015 hanggang 2016.Nabatid na 90 sa mga ito ang magtatapos ng may honors at awards. Ayon kay DSWD Secretary Corazon Juliano-Soliman, ang mga nagtapos ay natulungan ng Expanded Students Grants-In-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA).Layon nito na mapagtapos at magkaroon ng magandang trabaho ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng pamahalaan para mabawasan ang mahihirap na tahanan.Inilunsad ng Commission on Higher Education (CHED) ang SGP-PA noong 2012 sa pakikipagtulungan ng DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine State Universities and Colleges (PASUC).Ito ay hakbang ng gobyerno para masolusyunan ang unemployment at tumitinding kahirapan sa bansa.
Mahigit 3, 000 Benepisyaryo Ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Ng Dswd, Magtatapos Na Ng Kolehiyo
Facebook Comments