Mahigit 3-million doses ng bakuna, nai-deliver na sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Nagpapatuloy ngayon ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa 3,415 vaccination sites sa 17 rehiyon sa bansa.

86% ng doses ang na-distribute na o katumbas ng 3,025,600 mula sa kabuuang 3,525,600 doses.

Umaabot naman sa 1,809,801 doses na ang naiturok sa mga indibidwal.


88% naman ng 1,780,400 ng first doses ang nagamit na o katumbas ng 1,562,815 doses.

Habang 14% ng 1,780,400 na second doses ang naiturok na rin o katumbas ng 246,986 doses.

Partikular na sumasailalim ngayon sa pagbabakuna ang mga nasa A1 hanggang A3 priority groups.

Muli namang hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpalista na sa kani-kanilang Local Government Unit (LGU) para mabakunahan.

Facebook Comments