Mahigit 30-libong katao, naapektuhan ng bagyong Maring -NDRRMC

Manila, Philippines – Umabot sa mahigit tatlumpu’t tatlong libong katao o katumbas ng pitong libo at anim na raang pamilya ang naapektauhan ng bagyong Maring.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management o NDRRMC.

Ang bilang na ito ay mula sa dalawang daan at labing limang brgy. sa rehiyon ng National Capital Region, Region 3 at CALABARZON.


Sa ngayon mahigit anim na libong pamilya pa sa nabanggit na kabuuang bilang ng mga apektadong pamilya ang nanatili sa mga evacuation centers.

Pumalo naman sa mahigit dalawangput tatlong milyong piso halaga ang naitalang pinsala sa buong lalawigan ng Quezon batay sa assessment ng NDRRMC.

Naitala rin ng NDRRMC ang mahigit isang libong bahay na napinsala ng bagyo sa lalawigan ng Cavite, Laguna at Quezon.

892 sa mga bahay na ito ay partially damaged habang 160 ay totally damaged.

Nanatili naman sa lima ang kumpirmadong patay dahil sa bagyong Maring.

Facebook Comments