Mahigit 30 mga pulis ang bumagsak sa Physical Fitness test at Body Mass Index (BMI) evaluation na isinagawa sa Camp Crame.
Kabuuang 86 na mga pulis ang sumailalim sa test kaninang umaga, 32 sa mga ito ay overweight at 5 dito ang obese.
Habang 49 naman ang normal ang timbang.
Agad silang hinarap ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa at pinaalalahanan na responsibilidad ng bawat pulis na pangalagaan ang kanilang sariling kalusugan.
Anya, alam nya na mahirap panatilihing tama ang timbang lalo na kapag nagkaka edad ngunit dapat umano ito magsilbing hamon dahil ‘pyhsically demanding’ ang trabaho ng mga pulis.
Ang mga bumagsak sa BMI test ay patuloy na imomonitor na ngayon ay naka enrol sa Public Safety Officers Basic Course Class of 2020
Dito ay bibigyan sila ng pagkakatoon pra maitama ang timbang.
Una nang sinabi ni Gamboa na may “sanctions” para sa mga pulis ang hindi maka-comply sa tamang BMI.
Ang mga pulis na hindi maka comply sa standard BMI ay hindi papayagan na makapag-schooling, na requirement para sa promosyon.
Sinabi ni Gamboa ipinatutupad nya ito hindi lamang para sa imahe ng PNP kundi para narin sa kalusugan ng mga pulis.