Mahigit 30 na mag-aaral sa bayan ng Alabel, Sarangani-sinapian ng masamang espiritu

General Santos City—mahigit 30 mga mag-aaral ang sinapian ng masamang espiritu sa bayan ng Alabel, kahapon.

Ang nasabing mga mag-aaral ay pawang nasa grade 8 student ng isang paaralan sa Bayan ng Alabel. Alas 9:00 umano ng umaga nang may nakita ang ilang bata na isang itim na malaking tao malapit sa bagong itinayong School building sa nasabing paaralan. May iba namang nakakita ng isang bata na nag-aanyaya umano sa kanila na sumama sa kanya.

Sunod-sunod na hinimatay ang ilang bata hanggang sa dumami ang mga ito at umabot ng mahigit 30.


Agad namang ipinatawag ang kanilang mga magulang para maalalayan ang mga ito dahil ang iba sa kanila ang nagpupumiglas, umiiyak , nag-iiba nag tinig at parang natatakot. Dinala naman ang iba sa kanila sa Municipal health Center at sa tanggapan ng MDRRMC.

Kumalma lang ang nasabing mga mag-aaral ng silay inalayan ng dasal ng pare ng Simbahang Katoliko doon. Pinaniniwalaan naman na dahil sa pagputol ng mga kahoy sa paligid ng paaralan ang sanhi na nabulabog ang mga engkanto sa nasabing lugar kaya sumapi ito sa mga mag-aaral.

Facebook Comments