37 Tahderiyyah Centers ang binigyan ng Permit to Operate (PTO), 35 rin ang binigyan ng School Identification (ID) Numbers, ito’y base sa Department of Education (DepEd) – Central Office Memorandum DM-CI-2017-00154.
Kilala rin sa tawag na “Integrated Early Childhood Education for 5 – 6 years old Children in Bangsamoro” ang Tahderiyyah Program.
Ang Tahderiyyah (Islamic nursery school) ay produkto ng BDA at United Nations Children’s Fund (UNICEF) na ang layunin ay marating ang mga bata sa conflict-affected areas (CAAs) sa Mindanao.
Bahagi ang Tahderiyyah sa peace and development programs sa Mindanao na sinusuportahan din ng Australian government.
Facebook Comments