Mahigit 30 underground mass organizations, nakatanggap ng ₱2M livelihood assistance

Kabuuang 340 benepisyaryo mula sa 34 na People’s Organization o mga dating taga-suporta ng Communist Terrorist Group sa Cabanglasan, Bukidnon ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang 88th Infantry (Maringal) Battalion.

Ang nasabing aktibidad ay kaugnay ng Whole of Nation Approach ng pamahalaan para sa Ending Local Communist Armed Conflict upang labanan ang insurgency.

Ayon kay Lt. Col. Christian James Vingno, Commanding Officer ng 88IB, inilunsad nila katuwang ang DTI ang “Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program”


Aniya ang nasabing programa ay layong tulungan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng sarili nilang kita sa pamamagitan ng mga livelihood programs.

Kabilang sa livelihood packages na natanggap ng mga dating rebelde ay Agrivet Supply, Sari-Sari Store Kit, Agricultural Supply at Bigasan na nagkakahalaga ng halos ₱3M.

Samantala, nagpapasalamat naman ang mga benepisyaryo sa gobyerno dahil sa tulong na pinagkaloob sa kanila upang makapagsimula ng bagong buhay.

Facebook Comments