Most wanted drug suspect, arestado sa Bukidnon

103

Nasakote ng mga awtoridad ang Top 3 Regional Level Most Wanted person sa Damulog, Bukidnon.

Kinilala ni Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PBGen. Roderick Augustus Alba, ang suspek na si Bobby Anggaan, 42 years old.

Si Anggaan ay naaresto ng mga awtoridad noong Sabado matapos magkasa ng operasyon ang mga kagawad ng Regional Special Operations Unit at Bukidnon PNP.


Nabatid na si Anggaan ay mayroong existing warrant of arrest dahil sa rape.

Sa ngayon, nakaditene ang suspek habang naghihintay sa return warrant mula sa court of origin.

Facebook Comments