*Cauayan City, Isabela*- Tinatayang humigit kumulang sa 500 katao ang nakilahok sa traslacion ng Itim na Poong Nazareno sa Siyudad ng Ilagan pasado alas kwatro ng hapon kanina.
Ayon kay Spokesperon Peterson Patriarca ng City of Ilagan Gay Association, nakilahok din ang ilang mga senior citizen mula pa sa iba’t ibang bayan ng Isabela gaya ng Cauayan City, Alicia, San Guillermo at Reina Mercedes.
Dagdag pa ni Patriarca, pang-apat na taon na itong isinagawa ng kanilang grupo bilang bahagi ng kanilang debosyon sa itim na Poong Nazareno.
Nagsimula ang traslacion ng imahe ng itim na poong Nazareno sa harap ng Ilagan City Hall na nagtapos pasado alas dyes ngayong gabi sa transport terminal ng lungsod sa Brgy. Alibagu.
Hindi naman alintana sa mga deboto ang pagod sa prusisyon kahit na ang ilan ay mga nakapaa dahil patuloy ang kanilang taimtim na debosyon para sa Poong Nazareno.
May ilang paniniwala ang mga deboto na natupad ng Poong Nazareno ang kahilingan ng mga deboto dahil sa kanilang debosyon sa Poon.