Mahigit 300 Indibidwal, Nakauwi sa ‘Balik-Probinsya’ Program ng Isabela

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 379 indibidwal ang nakauwi na sa iba’t ibang bayan sa Isabela matapos ilunsad ng Provincial Government ang ‘Balik-Probinsya Program’ para sa mga hindi makauwi dulot ng nararanasang krisis dahil sa COVID-19.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, pinauwi sa kani-kanilang lugar ang mga Isabeleño habang mananatili ang mga ito sa inihandang quarantine facilities ng mga Local Government Unit (LGUs).

Dagdag pa ng opisyal, kinakailangan aniya na magparesenta ng Health Certification ang mga uuwi sa probinsya bilang bahagi ng guidelines ng programa at matiyak na walang kahit anumang problema sa kalusugan ang mga ito.


Giit pa ng opisyal, may ilang indibidwal ang hinaharang sa checkpoint sa bayan ng Cordon bago makapasok sa probinsya dahil sa kawalan ng mga paunang requirements na bahagi ng provincial protocol sa mga uuwi.

Kaugnay nito, ididiretso ang mga nasabing sakay ng mga pribadong sasakyan sa Echague District Hospital para sa pagsasailalim sa 14-days quarantine.

Facebook Comments