Mahigit 300 libong mga frontliners, senior citizen at adult with comorbidities target mabakunahan ng Mandaluyong City Government

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Mandaluyong City Government na target nilang mabakunahan ang 330,000 mga frontliners, senior citizen at adult with comorbidities ngayong araw hanggang bukas.

Ayon kay Jenny Herrera ng Public Information Office ng Mandaluyong Local Government Unit (LGU) 600 ang babakunahan sa bawat sites kung saan mayroong apat na site ang LGU, ito ay ang mga Paaralan ng Isaac Lopez Integrated School, Hulo Integrated School, Pedro P. Cruz Elementary School at Andres Bonifacio Integrated School.

Paliwanag ni Herrera kinakailangan lamang na magdala ng valid ID ang lahat ng babakunahan at huwag pumunta kung hindi naka scheduled ngayon upang hindi maabala at antayin lamang ang tawag ng kanilang vaccination team o kaya sa kanilang scheduled.


Dagdag pa ni Herrera, nakaschedule na rin kung kailan babakunahan si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos gaya ng ilang mga alkalde na una nang nabakunahan.

Facebook Comments