Mahigit 300 Livestock Farmers sa Isabela, Tumanggap ng Financial Assistance

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 366 na livestock farmers ang apektado ng African Swine Fever sa mga nakalipas na buwan base sa tala ng Provincial Veterinary Office ng Isabela.

Sa kabila nito, tumanggap ng Financial Assistance ang nasabing bilang ng mga backyard hog raiser mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Batay sa ulat, 418 na Barangays ang naapektuhan ng nasabing pagkaksakit ng baboy habang tinatayang nasa kabuuang 2,922 ang mga isinailalim sa culling upang hindi na makahawa pa ng ibang alaga at batay na rin sa panuntunan ng Department of Agriculture.


Personal na tinungo ni Governor Rodito Albano III ang mga bayan na apektado ng nasabing sakit ng baboy na kinabibilangan ng mga Cordon, Echague, Luna, Gamu, Quirino, Mallig,Quezon, Ramon, Reina Mercedez, San Manuel,San Guillermo at San Isidro.

Simula Hunyo 2, tinanggap ng 12 hog raisers mula sa Villamiemban sa Cordon ang nasabing ayuda; 28 hog raiser mula sa Echague at San Isidro habang 12 hog raiser naman mula sa Mambabanga sa Bayan ng Luna at 13 din sa San Manuel.

Iprinisenta din ng Gobernador ang mga plnao sa rural areas kung saan isasaayos ang mga daan para mas mapabilis ang paghahatid ng mga produkto sa mga urban areas at pagkakaroon ng water system sa mga barangay sa paggamit ng libreng supaly ng tubig.

Hinikayat din ni Albano ang mga hog raiser na magsanay sa organic farming at livestock raising habang titiyakin ng provincial government na maipagpatuloy ang pagtulong sa kanilang pangangailangan.

Gayunman, ipinagpatuloy din ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 13 hog raiser mula sa Brgy. Santiago sa Bayan ng Reina Mercedez at 8 hog raiser sa Bayan ng Gamu habang sa Bayan Quirino ay tumanggap ang nasa 5 backyard hog raiser at 11 mula sa Mallig at Quezon.

Samantala, sa Bayan ng San Guillermo ay tumanggap ang nasa 9 hog raisers at 22 mula sa Bayan ng Ramon

Tinitiyak naman ng Provincial Government ang tuloy-tuloy na tulong sa mga apektadong livestock farmers.

Facebook Comments